Kagawad arestado sa baril sa raid
CAMP NAKAR, Lucena City, Philippines – Kulungan ang binagsakan ng isang barangay kagawad sa Infanta, Quezon matapos na maaresto sa bisa ng search warrant dahil sa pag-iingat ng mga baril at bala kamakalawa ng gabi.
Batay sa ulat ni Quezon Police Provincial Office (QPPO) Director PCol. Romulo Albacea kinilala ang suspek na si si alyas “Kagawad Allan”, 51, residente ng Purok Libis, Barangay Ingas, Infanta, Quezon.
Isinagawa ang pagsalakay mula alas-10:21 ng umaga hanggang ala-1:00 ng hapon ng mga operatiba ng Quezon Province Criminal Investigation and Detection Team (CIDT) bilang lead unit, katuwang ang 405th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 4A at Infanta Municipal Police Station.
Isinilbi sa suspek ang Search Warrant No. 2026-19-1 na inisyu ni Rodolfo V. Quitalbo Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court sa Lucena City, noong Nobyembre 17, 2026, dahil sa umano’y paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Kabilang sa mga nakumpiska ang 5.56 rifle, caliber submachine gun, US Carbine caliber .30 at isang 9mm firearm na mga binagong marka, gayundin ang dalawang suppressor, ilang steel magazine at maraming bala na may kalibreng 5.56, .30, .45, 9mm, .380, .32 at .300 Winchester Magnum.
- Latest
















