^

PM Sports

Creamline dinakma no. 2 spot sa semis

Russell Cadayona - Pang-masa
Creamline dinakma no. 2 spot sa semis
Lusot ang palo ni Bernadeth Pons ng Creamline sa depensa ni Trisha Tubu ng Farm Fresh.
PVL photo

MANILA, Philippines — Humataw si Tots Carlos ng 12 points at may 10 mar­­kers si Bernadeth Pons sa 25-19, 25-18, 25-18 demo­lisyon ng Creamline kontra sa Farm Fresh para sikwatin ang ‘twice-to-beat’ bonus sa semifinals ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence Siklab Series kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nagdagdag si Jema Galanza ng siyam na puntos, ha­bang may pito at anim na marka sina Pangs Panaga at Bea de Leon, ayon sa pagkakasunod.

“Siyempre, masaya kami lalo na ako at talagang nagtrabaho ‘yung team namin,” ani coach Sherwin Meneses. “Iyong responsibility nila sa loob ng court, ginawa nila.”

Sa pag-upo ng Cool Smashers sa No. 2 spot sa semifinals ay lalabanan nila ang No. 3 Choco Mucho Flying Titans na sumibak sa PLDT High Speed Hitters.

Ang No. 4 Foxies naman ang sasagupa sa No. 1 Nxled Chameleons sa isa pang semis match na papalo sa Martes sa parehong venue.

Lumabas ang pagiging 11-time PVL champions ng Creamline sa laro nang iposte ang 2-0 bentahe bago na­kadikit ang Farm Fresh sa 17-18 sa third set.

Isang 7-1 atake ang inilunsad nina Carlos, Pons at Ga­­lanza para tuluyan nang selyuhan ng Cool Smashers ang panalo kasabay ng pagpigil sa kanilang tatlong sunod na kamalasan.

Nagwakas ang three-game winning streak ng Foxies na nakahugot kay Trisha Tubu ng game-high 18 points kasunod ang siyam na marka ni Ara Galang.

May dalawang araw lamang ang Creamline para pag­­handaan ang kanilang semifinal match ng sister team Choco Mu­cho na muling babanderahan nina Eya Laure at Sisi Rondina-Rosales.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with