Aga, may bagong baby sa cell...

Super pretty baby ang six-year-old young daughter ni Aga Muhlach sa 2nd Miracle in Cell No. 7 na gagampanan ni Serena Pearl Eerland.
Ang original na Miracle in Cell No. 7 ay unang ipinalabas sa South Korea noong 2013 na nagkaroon ng mga bersyon sa iba’t ibang bansa, kabilang ang Indonesia at Pilipinas.
Hanggang ginawan ito ng sequel ng Falcon Pictures ng Indonesia sa pamamagitan ng paggawa ng 2nd Miracle in Cell No. 7— na nagpapatuloy sa kuwento ng higit pa sa kung ano ang binuo ng mga Koreano.
At ito ang local adaptation ng Viva Communications with PhilStar Media Group na pinagbidahan pa rin ni Aga Muhlach na mapapanood sa Metro Manila Film Festival 2026.
Maaalalang nag-number 1 sa Metro Manila Film Festival 2019 ang Miracle in Cell No. 7 kasama sina Xia Vigor at Bela Padilla.
Ngayon ang nasabing Indonesian sequel ang mapapanood sa Pasko at makakasama ni Aga sa pelikula sina Jodi Sta. Maria at Serena. Babalik naman si Xia Vigor bilang si Yesha.
Rabiya, kinakaya ang pagdodoktor
Ang pag-aaral sa medisina ay laging may kaakibat na matitinding hamon, hindi lang daw sa academic, kundi physical at emotional.
At ito diumano ang nararanasan ngayon ni Rabiya Mateo.
Ito ay kahit nag-uumpisa pa lang siya bilang medical student.
Pero mukhang nakakaya naman nito dahil laging andyan ang karelasyong si Jake Cuenca.
Like pinasaya siya ng actor sa kanyang birthday.
- Latest



















