^

Bansa

‘Samuel’ pumasok na sa PAR

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
‘Samuel’ pumasok na sa PAR
Huling namataan si Samuel dakong alas-3 ng hapon sa layong 1,620 kilometro sila­ngan ng Northern Luzon habang patuloy itong kumikilos sa karagatan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Pumasok na sa Philippine Area of Res­ponsibility (PAR) ang severe tropical storm na si Samuel, na dating tinatawag na Cempaka, ayon sa PAGASA.

Huling namataan si Samuel dakong alas-3 ng hapon sa layong 1,620 kilometro sila­ngan ng Northern Luzon habang patuloy itong kumikilos sa karagatan.

Ayon sa PAGASA, lumakas si Cempaka at naging ganap na bagyo bago pumasok sa PAR. Gayunman, nananatili itong malayo sa kalupaan at hindi inaasahang direktang makaaapekto sa lagay ng panahon at karagatan sa bansa.

Sa kabila nito, magdudulot pa rin ang umiiral na amihan ng katamtaman hanggang maalon na karagatan sa mga baybayin ng Northern at Central Luzon sa susunod na 24 oras.

Inaasahan namang lalabas ng PAR si ­Samuel pagsapit ng Martes ng umaga o hapon, ayon sa PAGASA.

PAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with