^

Metro

Binatilyong de baril, timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Binatilyong de baril, timbog
Arrested stock photo.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, file

MANILA, Philippines — Binitbit sa Tambo Police Sub-Station ang isang 16-anyos na binatilyo nang maaktuhan ng mga barangay tanod na bumubunot ng baril sa gitna ng away sa pustahan sa basketball, sa Parañaque City, Biyernes ng gabi.

Sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang mauwi sa kaguluhan ang hindi umano pagbabayad ng pusta ng natalong grupo sa larong basketball, sa Barangay Tambo.

Nauwi sa mainitang pagtatalo ang galit ng suspek na menor-de-edad sa mga ka-lugar.

Nang makatawag pansin sa mga barangay tanod, tinangka nilang awatin hanggang sa makita na bumubunot ng baril ang suspek mula sa chamber ng suot na short pants.

Kinumpiska ang kalibre .22 revolver na kargado ng limang bala bago dinala sa Tambo Police Sub-Station ang binatilyo.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with