^

Metro

LRT-2, may libreng sakay sa National ID holders

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
LRT-2, may libreng sakay sa National ID holders
Passengers avail the free ride program of LRT Line 2 on August 5, 2026
Edd Gumban/The Philippine STAR

MANILA, Philippines — Magpapatupad ang Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ng libreng sakay para sa mga National ID holders ngayong Huwebes, Oktubre 1.

Nabatid na ang lib­reng sakay ay maa­aring i-avail mula 7:00AM hanggang 9:00AM at mula 5:00PM hanggang 7:00PM sa nasabing araw.

Ipatutupad umano ng LRT-2 ang libreng sakay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Statistics Month.

Upang mai-avail ang libreng sakay, kinakailangan lamang magpakita ng pasahero ng national ID sa guwardiya ng istasyon ng tren kung saan sila sasakay.

Ang LRT-2 na pina­ngangasiwaan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ay bumibiyahe mula sa Recto Avenue sa Maynila hanggang sa Antipolo City.

LRT

NATIONAL ID

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with