PNP, target ang 100 percent efficiency sa Unified 911 response

MANILA, Philippines — Tahasang sinabi ng Philippine National Police (PNP) na target nilang makamit ang 100% efficiency sa pagtugon sa mga emergency call sa Unified 911 Hotline matapos umabot sa 96.15% ang efficiency rate nito mula Enero hanggang Agosto.
Ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr., kailangang higit pang pagbutihin ang serbisyo dahil bawat segundo ay mahalaga sa mga emergency. Layunin umano ng PNP na matiyak na bawat tawag ay mauuwi sa mabilis at angkop na responde.
Kabilang sa tinututukan ng PNP ang pagpapalakas ng response assets at iba pang kagamitan para mapabilis ang pagresponde ng mga tauhan sa mga nangangailangan ng tulong.
Ang Unified 911 ang nagsisilbing central emergency hotline para sa police assistance, fire suppression, search and rescue, ambulance services at iba pang agarang pangangailangan.
Sinabi ni Nartatez na kabilang sa prayoridad ng PNP sa paggamit ng 2027 budget ang mga kagamitan at kakayahang magbibigay-daan sa mas mabilis at epektibong pagtugon sa mga emergency call.
- Latest


















