Bunso na tsumap-chop sa kuya, arestado!

MANILA, Philippines — Matapos ang halos dalawang linggo, nasakote na ng mga awtoridad ang isang 18-anyos na lalaki na brutal na pumaslang sa nakatatandang kapatid nito na kanyang tsinap-chap ang katawan saka isinilid sa maleta at ice chest sa Brgy. Sinunuc, Zamboanga City, ayon sa ulat kahapon.
Sa report ng Zamboanga City Police, ang suspect na hindi pa binanggit ang pangalan ay nasakote sa isinagawang follow-up operation ng mga operatiba kamakalawa sa nasabing lugar.
Ang krimen ay naganap noong Setyembre 10 sa gitna ng mainitang pagtatalo ng magkapatid sa kanilang tahanan sa Brgy. Sinunuc ng lungsod.
Inamin naman ng suspect ang krimen at sinabing pinagtataga nito ang 27-anyos niyang kuya, minartilyo saka tsinap-chop ang katawan ng lagareng bakal saka isinilid sa maleta, at isang ice chest upang itago ang krimen.
Ang bangkay ng biktima ay inabandona ng suspect sa tabi ng isang tindahan sa kanilang lugar na inireport naman ng isa nilang kapitbahay ang pagkakadiskubre sa bangkay sa mga operatiba ng pulisya na mabilis na nagresponde sa lugar.
Ayon sa Zamboanga City Police, ang suspect ay pangunahing suspect sa krimen dahilan ito ang kasama ng biktima sa kanilang tahanan at bigla itong nawala matapos ang insidente.
Sa pahayag ng naarestong suspect, siya umano ang naghahanapbuhay kung saan nagkaroon sila ng pagtatalo ng kanyang kuya dahil pinagnanakawan siya nito ng pera na humantong sa kanilang pagtatalo hanggang sa mapatay niya ito.
- Latest





















