^

Probinsiya

Pulis sinagasa ng lasing sa checkpoint, patay!

John Unson - Pilipino Star Ngayon
Pulis sinagasa ng lasing sa checkpoint, patay!
Duguang humandusay sa daan si Police Master Sergeant Shelvib Cuajao Cabug matapos banggain ng isang behikulo na minamaneho ng isang lasing na retiradong sundalo na kanyang ikinasawi sa ospital sa Jimenez, Misamis Occidental nitong Lunes ng gabi.
John Unson

COTABATO CITY, Philippines — Patay ang isang pulis na nagmamando sa checkpoint matapos na sagasaan ng rumaragasang sasakyan na minamaneho ng lasing na retiradong sundalo sa Jimenez, Misa­mis Occidental nitong Lunes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Police Master Sergeant Shelvib Cuajao Cabug, 47-anyos, nakatalaga sa Jimenez Police Station.

Si Cabug ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital matapos isugod ng mga emergency responders.

Sa magkahiwalay na pahayag kahapon ng mga opisyal ng Misamis Occidental Provincial Police Office at Police Regional Office 10, ang ­driver ng Mitsubishi Xpander na hindi pa tinukoy ang pagkakakilanlan ay nakakakulong na sa detention facility nang arestuhin ng mga kabaro ni Cabug at nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Lumalabas sa imbestigasyon na habang nasa gitna ng highway si Cabug at kanyang mga kasamang pulis sa Purok 5, Barangay Batuay sa Jimenez at abala sa pag-iinspeksyon sa checkpoint ng mga dumaraang behikulo nang biglang banggain ang una ng Mitsubishi Xpander na minamaneho ng nagmamay-ari nitong retiradong sundalo.

Nasa impluwensya umano ng alak ang driver, ayon sa mga rumes­pondeng barangay officials at police investigators sa insidente.

OCCIDENTAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with