SUV ng konsehal kinarnap, 4 suspek arestado
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Dinakip ang apat na katao matapos tangayin ang isang sports utility vehicle (SUV) na pag-aari ng isang municipal councilor sa bayan ng Abulug sa lalawigan ng Cagayan.
Ayon sa ulat, unang ipinarada ng 38-anyos na Sangguniang Bayan member ang kanyang SUV malapit sa isang vehicle shop sa kanilang bayan dakong alas-10:00 ng umaga nitong September 14, subalit nang balikan niya ito ay wala na ang sasakyan.
Dahil dito, agad niyang ipinagbigay alam sa pulisya ang pangyayari na agad namang nagsagawa ng imbestigasyon at backtracking sa tulong ng mga CCTV sa mga lugar na maaaring dinaanan ng sasakyan.
Kamakalawa, naharang mga awtoridad ang nakaalarmang sasakyan sa checkpoint ng Balete pass palabas sa lalawigan ng Nueva Vizcaya patungo sa Nueva Ecija. Apat na katao ang dinakip kabilang ang mga nakasakay sa isa pang pinaniniwalaang backup na sasakyan.
Narekober mula sa natangay na SUV ang isang baril na may 13 na piraso ng bala.
- Latest





















