Hollywood actress Michelle Yeoh, darating sa ‘Pinas!

Dadalhin sa bansa ng streaming platform na Prime Video ang Academy Award winner actress na si Michelle Yeoh para sa promo tour ng inaabangang Blade Runner 2099 bago ang world premiere nito sa Nov. 25.
Dito ay ibabahagi ng actress ang tungkol sa kanyang karanasan sa pagbibigay-buhay kay Olwen—isang ‘Replicant’ na nasa huling yugto na ng kanyang buhay.
Sa seryeng ito, kasama ni Yeoh—na gumawa ng kasaysayan noong 2019 bilang kauna-unahang Asyanong aktor na nanalo ng Oscar para sa Best Actress—si Hunter Schafer. Gumaganap si Schafer bilang si Cora, isang takas na gagamit ng bagong pagkakakilanlan bilang isang ‘Blade Runner’ sa isang desperadong pagtatangkang wakasan ang kanyang pagtakas.
Naganap 50 taon matapos ang mga pangyayari sa Blade Runner 2049, sinusundan nito ang kuwento ni Cora, na napilitang makipagtulungan kay Olwen upang tugisin ang isang tumakas na indibidwal—isang taong nagtataglay ng mga lihim na maaaring magbanta sa kinabukasan ng marupok na Los Angeles. Pinalalawak ng seryeng ito ang kilalang sci-fi universe sa pamamagitan ng isang bagong kuwentong tumatalakay sa pagkakakilanlan, pagkatao at kaligtasan.
Ang lahat ng walong episode ng Blade Runner 2099 ay ipapalabas sa Nobyembre 25, 2026, eksklusibo sa Prime Video sa mahigit 240 bansa at teritoryo sa buong mundo.
- Latest



















