^

Metro

Libreng sakay sa LRT-1 sa Nobyembre 9, 11 at 13

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Magbibigay ng libreng sakay ang Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Nobyembre 9, 11, at 13 upang makatulong sa mga commuter na maaapektuhan ng mga pagsasara ng kalsada kaugnay ng ika-49 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Metro Manila.

Isasagawa ang libreng biyahe sa dalawang takdang oras: alas-7:00 hanggang alas-9:00 ng umaga at alas-5:00 hanggang alas-7:00 ng gabi, na parehong tumatapat sa rush hour. Inanunsyo ito ng pamunuan ng LRT-1 sa kanilang opisyal na social media page.

Samantala, nagbibigay rin ng libreng sakay ang 15 modern jeepney mula Nobyembre 5 hanggang 14, mula alas-4:00 ng madaling-araw hanggang alas-10:00 ng gabi. Kabilang sa mga rutang pinaglilingkuran ang SM Fairview sa Novaliches, Quezon City hanggang Buendia sa Makati, at Sucat hanggang Baclaran sa Parañaque.

Ayon sa Pasay Traffic and Parking Management Office, isasara mula Nobyembre 9 hanggang 18 ang ilang kalsada sa paligid ng Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC), kabilang ang Pedro Bukaneg Street, Vicente Sotto Street, Buendia Avenue, J.W. Diokno Boulevard, Atang Dela Rama Street, at Magdalena Jalandoni Street.

Gaganapin sa Metro­ Manila ang ika-49 ASEAN Summit and Related Summits mula Nobyembre 15 hanggang 17, habang nakatakda namang isagawa ang mga paghahanda at operational testing sa mga pagdarausan bago ang nasabing pagtitipon. Inaasahang makatutulong ang libreng sakay upang mabawasan ang abala sa biyahe ng mga commuter sa panahon ng summit.

ASEAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with