Dingdong, gustong pagalawin ang mga aktor!

Gaganapin sa November 8 ang Hybrid Games ng Aktor PH sa pangunguna ni Dingdong Dantes. Para sa Kapuso actor ay talagang kailangang pahalagahan ng bawat miyembro ang kanilang kalusugan.
“It has always been about the welfare, the well-being of actors, not just physical well-being but also mental well-being. Kaya sa November 8, we are just very happy to partner with Bench,” bungad ni Dingdong.
Anim na na taon na ang nakararaan nang itatag ni Dingdong ang Aktor PH. Tinatayang nasa mahigit isang libo ang bilang ng mga lalahok sa nalalapit na event. “Bilang mga actor, gamit namin bilang instrument ang aming katawan, emotions, ‘yung talent. Most of the time kasi hindi rin namin naaalagaan ‘yung mga sarili namin. That’s why we really want to highlight the health of our members. That’s why it made me think that this Hybrid Games is the perfect opportunity for us to come together. Hindi lang para sa matagal na sa sports pero mas importante at mahalaga para sa mga hindi pa nagsisimula. We would like to encourage them to move,” paglalahad ng Aktor PH founder.
Layunin ni Dingdong na magkaisa ang lahat ng mga artistang aktibo pa rin sa industriya. Hinihikayat ng Kapuso Primetime King na lumahok ang mga kapwa-aktor sa minsanang pagtitipon. “This event is all about inclusivity and community. We really want to strengthen the community of actors regardless of studio, regardless of genre or age. Ito talaga ‘yung event na gusto naming magtipun-tipon ang lahat ng mga aktor. When you say Aktor as a community, ‘yon ‘yung organizational side of it, dito ‘yung may mga benefits ‘yung members, etc. But when you say Aktor, when you’re an actor, you’re part of Aktor,” paliwanag niya.
Kobie, nagulat nung birthday
Mapapanood na si Kobie Brown sa Born to Shine na pinagbibidahan ni Zephanie. Hindi raw inakala ng aktor na mapapabilang sa naturang GMA Afternoon Prime series. Ginagampanan ni Kobie ang karakter ni JC na miyembro ng Pinoy Pop group na 5 in 1. “No’ng nag-start po ako dito, I found out that it was only gonna be 6 weeks. Pero ngayon parang hanggang dulo na ako and now I’m part of a boy group which is really special,” nakangiting pahayag ni Kobie sa 24 Oras.
Bilang paghahanda sa role ay kinailangan umanong mag-aral ng binata nang pagsasayaw. “Currently doing rehearsals on how to dance. Actually, sa totoo lang ‘yon ang pinaka-weakness ko is dancing. So talagang I’m making sure that I do extra workshops for dancing. Tapos making sure to watch performances ng iba’t ibang P-Pop groups just to see kung paano ang galaw nila. How are they outside of the stage also para ma-feel ko paano maging P-Pop talaga,” pagbabahagi ng aktor.
Kamakailan ay ipinagdiwang ni Kobie ang kanyang ika-dalawampu’t tatlong kaarawan sa set ng naturang serye. Isang sorpresa ang inihanda ng mga katrabaho para sa binata. “No’ng umaga po, ‘yung castmates ko, parang hindi nila ako pinapansin. I was like wondering, may ginawa ba ako? Bago mag- lunch break biglang may surprise po. May cake and everything. It was a great surprise, sobrang grateful ako sa Born to Shine family ko for thinking of me and making my birthday very special. Kahit na super busy kami that day,” kwento niya. — Reports from JCC
- Latest

























