^

PSN Palaro

Eala sibak agad sa Wuhan Open singles

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Eala sibak agad sa Wuhan Open singles
Alex Eala

MANILA, Philippines — Sunud-sunod ang kabiguan ni Alex Eala sa tatlong nakalipas na torneo.

Pinakahuli ang kanyang maagang pagkakasibak sa singles event ng Wuhan Open sa Wuhan, China.

Lumasap si Eala ng masaklap na 6-4, 3-6, 3-6 pagkatalo sa kamay ni qualifier Shi Han ng China sa ope­ning round upang tuluyang mamaalam sa kontensiyon.

Maganda naman ang simula ni Eala na nakuha ang 6-4 sa first set.

Subalit hindi ito nasustenihan ni Eala sa mga sumunod na sets matapos maglatag ang Chinese netter ng solidong laro upang pigilan ang anumang pagtatangka ng Pinay netter.

Ito ang ikatlong sunod na laro na natalo si Eala sa mga low-ranked players.

Naging pasakit pa kay Eala ang 37 unforced errors nito kabilang na ang anim na double faults.

Si Shi ay world No. 217 — ang pinakamababang ranking na tumalo kay Eala sa season na ito.

Nagsimula ang lahat sa Singapore Open kung saan natalo rin si Eala kay world No. 180 Tatiana Prozorova ng Russia sa Round of 16 sa iskor na 6-4, 5-7, 3-6.

Nasundan ito sa Asian Games sa Nagoya, Japan nang lumasap si Eala ng 6-3, 3-6, 2-6 pagkatalo kay world No. 85 Wang Xiyu ng China sa semifinals para magkasya lamang sa tansong medalya.

Malayo ito sa dating mabagsik na Eala na ka­yang makipagsabayan sa mga world class players.

Kabilang na rito ang panalo ni Eala kay 2025 Wimbledon champion Iga Swiatek ng Poland sa third round ng Wimbledon Championship sa London.

Tinalo rin ni Eala sa season na ito si Elena Rybakina ng Kazakhstan na kasalukuyang world No. 1 gayundin sina Coco Gauff ng Amerika, Jasmine Paolini ng Italy, Jessica Pegula ng Amerika at Elena Svitolina ng Ukraine.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with