^

Punto Mo

5 araw na incentive leave, ginawang cash na lamang

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Sa company po namin, wala kaming choice kundi i-convert to cash ang five (5) days naming service incentive leave. Tama po ba ang ginagawa nilang iyon? – Marty

Dear Marty,

Ayon sa Article 95 ng Labor Code, ang bawat empleyadong nakapagtrabaho nang hindi bababa sa isang taon ay may karapatan sa limang araw na paid leaves.

Totoo na may probisyon ang batas tungkol sa pagiging convertible nito sa pera, pero ang pangunahing layunin ng service incentive leave ay upang mabigyan ang empleyado ng pagkakataon na lumiban sa trabaho kung kinakailangan nang hindi nababawasan ang kanyang sinasahod. Ang service incentive leave ay maaaring gamitin bilang sick leave o vacation leave, at kung hindi magamit ay maari itong i-convert to cash.

Ibig sabihin, ang practice na awtomatikong gawing cash na lamang ang inyong SIL upang hindi kayo makapag-leave sa trabaho ng may bayad ay nag-aalis sa inyo ng karapatang makapamili kung paano niyo gagamitin ang paid leaves na ipinagkaloob ng batas.

Ngunit may mga empleyado at kumpanyang hindi saklaw ng service incentive leave, kaya mahalagang malaman mo rin kung kasama ba ang kompanya niyo sa mga ito. Hindi saklaw nito ang mga establishment na regular na wala pang sampu ang mga empleyado, ang mga empleyadong tumatanggap na ng vacation leave na may bayad na hindi bababa sa limang araw, at ang mga managerial employee at field personnel na ang oras ng trabaho ay hindi supervised o regular na nasusubaybayan.

Kung hindi kayo pasok sa mga exception na ito, masasabing ang practice ng inyong kompanya ay hindi tamang pagsunod sa batas patungkol sa service incentive leaves.

Ang maipapayo ko, humingi muna kayo ng nakasulat na paliwanag mula sa inyong HR kung bakit ganoon ang kanilang patakaran, at magsumite kayo ng pormal na kahilingan na payagan kayong mamili kung paano niyo gagamitin ang limang araw niyong paid leaves. Kung magmamatigas ang kompanya, maaari kayong dumulog sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE dahil ito ay usapin ukol sa labor standards, na maaari nilang imbestigahan sa pamamagitan ng inspeksiyon sa inyong kompanya.

INCENTIVE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with