Rider, angkas dedo sa bangga
MANILA, Philippines — Kapwa dead-on-arrival sa ospital ang rider at pasahero nito nang dumulas at bumangga sa isang puno at poste sa Antipolo City, madaling araw ng Miyerkules.
Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (Rizal PPO), ang mga biktimang kinilalang sina “Ephraim,” 24-anyos, residente ng Malinta, Valenzuela City at “Nikka,” 29, residente ng Quezon City ay idineklarang patay sa RPHS Annex IV, sa Mambugan, Antipolo City.
Naganap ang insidente alas-3:09 ng madaling araw ng Setyembre 23, nang maganap ang insidente sa palusong na bahagi ng Sumulong Highway.
Mula umano sa Antipolo Proper patungo sa direksyon ng Masinag ang nilalakbay ng Yamaha Mio Aerox nang pagsapit sa pababa na bahagi ng bundok ay nag-overshoot ito at dumiretso hanggang sa bumangga sa puno at poste.
Tumanggi na ipa-awtopsiya ng mga kaanak ang mga labi ng biktima, na nakalagak sa Ecath Funeral Services.
- Latest

















