P10.2 milyon droga nakulimbat

COTABATO CITY, Philippines — Nakasamsam ang pinagsanib na mga operatiba ng pulisya at mga agents ng Philippine Drug Enforcement Agency 9 ng shabu na nagkakahalaga ng P10.2 milyon sa magkahiwalay na entrapment operations sa dalawang lugar sa Region 9 sa loob lamang ng dalawang araw.
Naaresto nitong Lunes, September 21, ang isang 49-anyos na lalaking tulak ng shabu, na-entrap ng magkasanib na mga operatiba ng mga units ng Police Regional Office 9 at mga agents ng PDEA 9 Enforcement Agency 9 sa Purok 1, Barangay Sinunuc, Zamboanga City nitong Linggo, September 20.
Nakumpiska ng mga pulis at mga ahente ng PDEA 9 mula sa suspek ang isang kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P6.8 milyon.
Unang naaresto nitong Linggo, September 20, ng mga tauhan ng iba’t ibang PRO-9 units at mga PDEA 9 agents ang dalawang drug dealer, isang 37-anyos na babae at ang 34-anyos niyang lalaking kasabwat, na kanilang nabilhan ng kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon sa isang lugar sa Barangay Kajatian sa bayan ng Indanan, Sulu.
- Latest





















