Pinoy classics at Kapamilya shows, libre sa iWANT!

MANILA, Philippines — Patuloy ang iWant sa paghahatid ng libreng panonood at pinagandang streaming experience ng mga patok na Kapamilya shows, Pinoy classics, at iWant originals sa mga manonood mula Luzon, Visayas at Mindanao.
Sa kampanya nitong What U Want, Libre sa iWant, tuluy-tuloy ang libreng saya sa panonood ng malawak nitong koleksyon ng mga programa at pelikulang patok sa mga Pinoy, mapa-mobile man, PC, o smart TV.
Libreng mapapanood sa iWant ang kinagigiliwang Kapamilya shows, tulad ng Coco Martin’s Sigabo, Someone, Someday, at lahat ng episodes ng The Alibi: Ang Buong Katotohanan. Hatid din ang libreng panonood ng noontime show na It’s Showtime, gabi-gabing balitaan sa TV Patrol, at mga game show nitong Kapamilya Deal or No Deal at Everybody, Sing! habang may libreng live access din sa Kapamilya Channel at DZMM TeleRadyo.
Handog din ng iWant ang libreng pagpapalabas ng mga pelikula, mapa-award-winning classics films gaya ng Oro, Plata, Mata at Moral, hanggang sa Star Cinema favorites na Hello, Love, Goodbye and Four Sisters and a Wedding, Ang TV Movie: The Adarna Adventure at Hey Babe!
Mapapanood din nang libre ang iba pang Kapamilya serye, kabilang ang Be Careful with My Heart, Saving Grace, What Lies Beneath, at ang Tagalog dub ng hit Asian telenovela na Meteor Garden. Mababalikan din ang classic at 2025 episodes ng longest-running drama anthology show na Maalaala Mo Kaya.
Libreng chikahan at tawanan naman ang hatid din ng iWant, tampok ang free episodes ng Gandang Gabi Vice habang libre ring napapanood ang debut episode ng The Angeline Quinto Show.
Libre rin sa iWant ang ilan sa original shows nito, kabilang ang lahat ng episodes ng katatapos lang na Miss Behave na pinagbidahan ni Alexa Ilacad. Tampok din sa libreng originals nito an Love at First Spike nina Emilio Daez at Reign Parani, Beach Bros nina Kyle Echarri, Lance Carr, Brent Manalo, Sean Tristan at Raven Rigor, at iba pa.
MTRCB at MWSS-RO, sanib-pwersa sa TREE-Planting, Climate Change
Bilang bahagi ng whole-of-government na tugon sa climate change, magsasagawa ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng tree-planting activity kasama ang Metropolitan Waterworks and Sewerage System Regulatory Office (MWSS-RO).
Nilagdaan ni MTRCB Executive Director II Roberto Diciembre at MWSS-RO Chief Regulator Atty. Patrick Lester Ty ang isang Memorandum of Agreement (MOA) noong Martes, Setyembre 22, 2026, sa tanggapan ng MWSS-RO sa Lungsod Quezon.
Ang tree-planting ay isasagawa sa Ipo Dam Watershed sa Norzagaray, Bulacan sa Biyernes, Setyembre 25, 2026. Ito ang magiging ambag ng MTRCB sa proyektong 29,000 Trees for 29 Years.
Sabi ni Diciembre na kinikilala ng Ahensiya ang masamang epekto ng climate change sa mga komunidad, sa kalikasan at sa kaunlaran ng bansa. “We seek to contribute to the national effort in addressing climate change by promoting awareness among MTRCB employees and stakeholders through this tree-planting activity and other related initiatives that will integrate sustainable practices,” sabi ng MTRCB Executive Director.
Diin naman ni MTRCB Chair at CEO Lala Sotto, ang climate change ay isa sa mga pinakamabigat na isyung pandaigdig at hindi lamang ang kalikasan ang apektado rito.
“By doing our part in reforestation and environmental protection, we do not just plant trees today for our benefit, but also for the future of our children – especially as our country grapples with the impact of extreme weather conditions,” sabi niya.
Nagpasalamat si Ty sa suporta ng MTRCB sa environmental protection advocacy ng MWSS-RO at sa mga hakbang upang protektahan ang kalikasan. Hinikayat niya ang mga Pilipino na makibahagi sa mga inisyatiba gaya ng tree-planting, upang mapanatili ang kalinisan at pagiging luntian ng mga watershed ng bansa.
“I was saying earlier that for a person to achieve immortality, it’s either you have kids, you write a book, or you plant trees. I think the easiest one there is to plant trees. Let’s do our part to help protect the environment,” dagdag ni Ty.
Mula 2023, nag-tree-planting na ang MTRCB at iba pang kaugnay na aktibidad, kasama ang iba pang mga tanggapan ng pamahalaan at stakeholder, bilang bahagi ng climate change mitigation effort ng Ahensiya.
- Latest




















