^

Metro

QCPD, alerto sa 2-day strike

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
QCPD, alerto sa 2-day strike
Ayon kay QCPD District Director PBGen Christopher Olazo, magpapakalat ng mga pulis sa mga strategic area upang tiyakin ang seguridad, maayos na daloy ng trapiko, at tulong sa mga maaapektuhang commuter.
STAR / Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Inihayag ng Quezon City Police District (QCPD)  na naka-full alert sila para sa dalawang araw na transport strike at kilos-protesta ng MANIBELA ngayong araw, Setyembre 14 at bukas, Setyembre 15.

Ayon kay QCPD  District Director PBGen Christopher Olazo, magpapakalat ng mga pulis sa mga strategic area upang tiyakin ang seguridad, maayos na daloy ng trapiko, at tulong sa mga maaapektuhang commuter.

Inaasahang magsisimula ang protesta sa Welcome Rotonda, Quezon City bago tumungo sa Mendiola, Maynila.

Iginiit ng QCPD na iginagalang nito ang karapatan sa mapayapang pagtitipon, kasabay ng panawagan sa mga kalahok na panatilihing mapayapa, maayos at naaayon sa batas ang pagkilos.

OLAZO

QCPD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with