^

PM Sports

Nuggets pinili ni DeRozan

Pang-masa

NEW YORK — Pi­pirma si free agent DeMar DeRozan sa Denver Nuggets sa isang one-year, $3.9 million deal.

Bago pumayag sa Nuggets ay nakipag-usap muna si DeRozan sa Miami Heat, Washington Wizards at New Orleans Pelicans sa kasagsagan ng free agency.

Naglaro ang 37-anyos na si DeRozan para sa Toronto Raptors, San Antonio Spurs, Chicago Bulls at Sacramento Kings.

Makakasama ni DeRozan sa Denver sina Nikola Jokic at Jamal Murray.

Kumamada si DeRozan ng average na 18.4 points mula sa 50% field goal shooting para sa Kings sa nakaraang season.

Binitawan ng Sacramento ang six-time NBA All-Star para lumuwag ang kanilang salary cap.

Samantala, lalagdaan ni Klay Thompson ang isang two-year, $13 million deal sa Miami Heat matapos ang contract buyout mula sa Dallas Mavericks.

Nakatakda sanang tumanggap ang 36-anyos na si Thompson ng $17.5 million sa final season ng kanyang kontrata sa Ma­vericks bago ang nasabing buyout.

Tinarget ng Heat si Thompson matapos ang isang blockbuster trade kay Giannis Antetokounmpo mula sa Milwaukee Bucks.

Naglaro si Thompson ng dalawang seasons para sa Dallas at naglista ng average na 12.9 points tampok ang 38.7% sa three-point range.

Nalampasan na ni Thomp­son si Damian Lillard sa nakaraang season sa fourth place sa career 3-pointers made sa isinalpak niyang 2,899 triples.

Ibinuhos ni Thompson ang unang 13 seasons ng kanyang career sa Golden State Warriors bago nalipat sa Mavericks sa isang sign-and-trade deal noong 2024.

NBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with