^

PM Sports

Creamline paborito sa PVL Invitationals

Russell Cadayona - Pang-masa
Creamline paborito sa PVL Invitationals
Sina Creamline team captain Alyssa Valdez at Jaja Santiago-Minowa ang babandera sa Cool Sma­­­shers sa PVL Invitationals Conference.
PVL

MANILA, Philippines — Ngayon pa lamang ay tumatayo nang paborito ang Creamline sa darating na 2026 Premier Volleyball League (PVL) Invitational Conference.

Ibabandera kasi ng Cool Smashers ang nagbabalik na si Jaja Santiago (Sachi Minowa) na sumabak sa kanilang 25-21, 25-16, 25-21 pagwalis sa Galeries Tower Highrisers sa pagtiklop ng 2026 PVL On Tour sa Victorias City, Negros Occidental noong Sabado.

“Kasama sa programa namin talaga na palaruin siya dito para ‘yung adjustments pagpasok ng Invitational, ‘yung chemistry, hindi na ganun kahirap hanapin,” ani coach Sherwin Meneses sa 30-anyos na si Santiago.

Bago ito ay naglaro na rin ang 6-foot-5 middle blocker sa ‘sisterhood showdown’ ng Creamline at Choco Mucho sa Cagayan de Oro.

Papalo ang PVL Invitational Conference sa Agosto 31 hanggang Setyembre 8 sa Smart Araneta Coliseum.

Idedepensa ng PLDT ang kanilang korona laban sa Creamline, Farm Fresh, Nxled at guest teams EST Cola ng Thailand at Ho Chi Minh City ng Vietnam.

Huling naglaro si Santiago, naging isang Japanese citizen noong 2024 matapos mapangawa si Alas Pilipinas Women head coach Taka Minowa, sa PVL noong 2021 kung saan niya binanderahan ang Chery Tiggo sa pagkopo sa inaugural professional title.

Ang dati ring kamador ng National University Lady Bulldogs ang kauna-unahang Most Valuable Player ng PVL sa professional era.

Matapos ang 2026 PVL On Tour ay magtutungo na si Santiago sa United States para sumama sa San Francisco Signal team sa League One Volleyball (LOVB) Pro.

Sumalang si Santiago sa Japanese league para sa Ageo Medics, Osaka Marvelous at Denso Airybees at hinirang na Best Middle Blocker ng liga noong 2022 at 2023.

PVL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with