^

PSN Palaro

Gilas Boys paborito vs Thailand

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Gilas Boys paborito vs Thailand
Gilas Pilipinas
FIBA

MANILA, Philippines —  Pilit na babangon ang Gilas Pilipinas Boys mula sa kabiguan sa pagsagupa sa Thailand sa hangaring makasampa sa qualification patungo sa quarterfinal round ng 2026 FIBA U18 Asian Championships sa Veer Savarkar Indoor Stadium sa Ahmedabad, India.

Lalabanan ng mga Pinoy dribblers ang mga Thais ngayong alas-4 ng hapon matapos ang bakbakan ng mga Aussies at Taiwanese sa alas-2.

Matapos lusutan ang Chinese, 89-88, mula sa game-winning basket ni Ethan Aguas ay natalo ang Gilas Boys sa nagdedepensang Australia, 69-107.

Lider ang Australia sa Group A tangan ang 2-0 record kasunod ang Pilipinas (1-1), Chinese Taipei (1-1) at Thailand (0-2).

Talo ang mga Thais sa mga Aussies, 32-102, sa mga Taiwanese, 62-110.

Inaasahang gigibain ng Gilas Boys ang Thailand na pinatumba sa group stage, 98-63, at sa finals, 85-70, ng nakaraang SEABA qua­lifier sa Krabi, Thailand.

Ang top teams sa Group A, B, C at D pagkatapos ng preliminary stage ang papasok sa quarterfinals, habang ang second at third placers ang lalaro sa qualification para sa huling apat na quarterfinal spots.

Apat na tiket ang pag-aagawan para sa FIBA U19 Basketball World Cup 2027 na nakatakda sa Hunyo 26 hanggang Hulyo 4 sa Pardubice, Czechia.

ETHAN

PINAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with