^

Metro

Onsehan sa droga, 2 sugatan sa pamamaril

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Onsehan sa droga, 2 sugatan sa pamamaril
Nasa maayos na kondisyon sa Makati Medical Center ang mga biktimang sina alyas “Christian”, 26, at “Khen,” 23, na kapwa nagtamo lamang ng mga tama ng bala sa kanang braso.
STAR / File

MANILA, Philippines — Sugatan ang dalawang lalaki sa pamamaril ng dalawang lalaki ng dahil umano sa onsehan sa iligal na droga, sa Makati City nitong Sabado, Agosto 1.

Nasa maayos na kondisyon sa Makati Medical Center ang mga biktimang sina alyas “Christian”, 26, at “Khen,” 23, na kapwa nagtamo lamang ng mga tama ng bala sa kanang braso.

Patuloy pa ang pagtugis sa mga suspek na kinilalang sina alyas “Rudy,” 34, residente ng Pasay City, at “Teejay,” 31, residente Brgy.Tejeros, Makati City.

Sa ulat ng Makati City Police Station, dakong 1:00 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Hiwaga St., Brgy. Olympia.

Pinangunahan ni Makati Police chief PCol. Pedro Alagano Jr., ang pagtugis sa mga suspek at nadiskubre na inabandona ng mga suspek ang get-away na motorsiklong Honda Click at Yamaha Aerox, mga damit na may bahid ng dugo, at personal effects tulad ng tactical vest na markado ng “SWAT” na ginamit sa krimen, spray paints, isang kalibre 9MM at isang kalibre .45 pistola, na itinapon ng mga suspek habang tumatakas.

Ang mga ebidensya ay narekober sa kahabaan ng Tramo St., Brgy. 64, Zone 8, Pasay City, na naging susi upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Nadiskubre rin na pati ang mga biktima ay sangkot sa mga serye ng holdapan.

DROGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with