‘Bugaw’ plot vs Recto buking sa viber

MANILA, Philippines — Ibinunyag ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na may ebidensya na nagkaroon ng palitan ng mensahe sa viber sina dating congressman Jing Paras at naarestong bugaw sa sinasabing planong i-frame up si Executive Secretary Ralph Recto.
“Kasi dineny so I want to hear them categorically deny under oath dito na hindi nila kilala ‘yung tao at walang pangyayaring ‘yun at walang planong ganoon,” ani Matibag sa panayam ng Super Radyo DZBB.
Ayon kay Matibag, hinimok niya sina Cong. Leandro Leviste at Paras na lumutang sa imbestigasyon dahil ang pinanghahawakan nila ay mga salaysay ng arestadong talent manager at isa sa nasagip na babae, sa isinagawang pagsalakay sa isang hotel sa Maynila na nauugnay sa human trafficking.
Sinabi naman ng abogado ni Paras na si Atty. Mark Kristopher Tolentino na itinanggi na ng kanyang kliyente ang pagkakasangkot sa umano’y ‘bugaw’ plot at tiwala na mababasura ang isyu.
Nitong Lunes, pinadalhan na ng subpoena ng NBI sina Leviste at Paras para dumalo sa imbestigasyon bukas sa nasabing plot laban kay Recto.
- Latest
















