Sundalo dedo sa Abra encounter

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang sundalo matapos na makasagupa ang grupo ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Brgy. Apao, Tineg, Abra nitong Lunes.
Sa report, kinilala ang nasawi na si Corporal Drexler Gumayat, kasapi ng Army’s 50th Infantry Battalion (IB) sa ilalim ng Army’s 503rd Infantry Brigade na nakabase sa Tabuk City, Kalinga.
Ayon sa imbestigasyon, nagsasagawa ng combat operation ang tropa ng Army’s 50th IB ang tinatayang nasa 10 rebelde sa Brgy. Lan-ag, Lacub, Abra noong Hulyo 19 ng hapon na ikinasugat ng dalawang sundalo habang nagsagawa rin ng pursuit operations noong Lunes na ikinasawi naman ni Gumayat.
Ang labi ng nasabing sundalo ay dumating na sa kanilang himpilan nitong Martes ng umaga na sinalubong ng kaniyang mga kaibigan at miyembro ng kaniyang pamilya at kalaunan ay inihatid ang labi sa tahanan nito sa Brgy. San Pablo, Tabuk City.
Kasabay ng pakikidalamhati sa naulilang pamilya, binigyang pugay ni Brig. Gen. Rhenante Salvador, commander ng Army’s 503rdinfantry Brigade ang bayaning sundalo at tiniyak na makatatanggap ang pamilya nito ng karampatang benepisyo.
- Latest

















