Mag-asawa at anak nakuryente, patay
MANILA, Philippines — Patay ang tatlong miyembro ng isang pamilya makaraang makuryente naganap sa Brgy. Luis, Solano, Nueva Vizcaya, kamakalawa ng hapon.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Alfredo Costales Jr., 36; misis nito at kanilang anak na lalaki na Grade 5.
Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa loob ng banyo ng pamilya Costales sa nasabing lugar.
Sa pahayag ng kapatid na lalaki ng padre de pamilya, nagulantang na lamang siya ng bumisita sa tahanan ng mga biktima nang walang sumasagot.
Nang puntahan niya ang likod ng bahay kung saan naroon ang banyo ay laking pagkabigla niya nang makitang magkakapatong ang mga biktima na pawang wala ng buhay.
Sa teorya,posible umanong nagsampay ng basang damit ang kaniyang kapatid sa alambre matapos itong maligo ng ito ay makuryente na sinaklolohan naman ng misis nito at anak na lalaki kaya pare-pareho silang nakuryente.
- Latest


















