^

Metro

5 nangikil ng P5 milyon, timbog!

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
5 nangikil ng P5 milyon, timbog!
Sadyang nagpatago ang biktima sa pangalang “Mike,” ayon kay Police Colonel John Guiagui.
STAR/ File

Kaanak ‘utak’ sa krimen

MANILA, Philippines —  Arestado ang limang kalalakihan na pinani­niwalaang ni-recruit ng isang kamag-anak ng negosyanteng biktima sa tangkang P5-milyon extortion at pagbabanta na dudukutin at papatayin ang asawa at anak, at babatuhin ng granada ang kanyang bahay sa Quiapo, Manila sa ulat nitong Sabado, Hunyo 27.

Sadyang nagpatago ang biktima sa pangalang “Mike,” ayon kay Police Colonel John Guiagui.

Ani Guiagui, natakot ang biktimang si Mike sa serye ng mga tawag ang kanyang natatanggap na nanghihingi ng P5-milyon at kung hindi maibibigay ay dudukutin ang asawa, anak, at haha­gisan umano ng granada ang kanyang bahay.

“Simula tanghali, hapon, gabi... tuluy-tuloy ‘yung tawag niya. Ano ba, magbibigay ka ba? Kukunin na namin, tatapunan namin ng granada ‘yung bahay mo. Nataranta ako,” ang sinabi ni Mike sa reklamo kaya nagpatulong sa kanyang abogado na nakipag-ugnayan sa CIDG.

Naging susi naman para simulang tugisin ang nakalalaya pang “utak” sa extortion na sarili umanong kamag-anak ng biktima dahil alam na alam ng caller ang mga pangalan ng asawa, at anak, iskedyul ng pasok ng anak.

“Nagtataka kami bakit alam kung saan naka­tira, alam kung paano ‘yung schedule ng bata, pati residences nila. So kagabi we conducted an operation which leads to the arrest ng limang katao,” ani Guiagui.

Sa imbestigasyon, natukoy na ang limang suspek na naaresto ay binuong grupo ng kaanak ng biktima, na lulong umano sa sugal at madalas manghingi ng pera at maraming utang sa negosyante na hindi nababayaran.

5 nangikil ng P5 milyong, timbog!

Ludy Bermudo

TIMBOG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with