^

Metro

Fish vendor binoga sa ulo, gunman timbog

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patay ang isang 49-anyos na fish vendor nang barilin habang ipinaparada ang kanyang sasakyan sa Las Piñas City, Huwebes ng mada­ling araw.

Idineklarang dead- on-arrival sa Las Piñas District Hospital ang  biktimang kinilalang si alyas “Virgilio”, ng Brgy. Pilar, Las Piñas City.

Agad namang nasakote ang suspek na si alyas “Kenjie”, 43, ng Gloria Compound, Brgy. Pilar, sa isinagawang follow-up operation sa Platinum Road, Brgy. Pilar, ng mga operatiba ng Las Piñas CPS, ilang oras matapos ang pamamaril.

Ayon kay PCol. Ricky Neron, hepe ng Las Piñas City Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-5 ng umaga habang ipinaparada ng biktima ang kanyang sasakyan para magbukas ng tindahan.

Subalit biglang lumitaw ang suspek at binaril sa ulo ang biktima.

Tumakas ang suspek sa direksyon ng Aguilar Sports Complex ngunit mabilis ding naaresto ng Pilar Sub-Station.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pamamas­lang habang inihahanda ang kasong murder na isasampa laban sa suspek.

FISH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with