^

Probinsiya

19 hepe ng pulisya na-recall sa puwesto

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
19 hepe ng pulisya na-recall sa puwesto
Si Brig. Gen. Hanzel Marantan, Calabarzon police director, ay nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa positibong resulta ng 19 na pulis na muling kumuha ng pagsusulit na ibinigay ng PNP-Calabarzon region noong nakaraang linggo.
STAR / File

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Nasa 19 hepe ng pulisya mula sa 21 na unang bumagsak sa eksaminasyon noong nakaraang buwan ang na-recall sa kanilang mga puwesto matapos makapasa sa ikalawang enhanced managing police operation (EMPO), kamakailan.

Si Brig. Gen. Hanzel Marantan, Calabarzon police director, ay nagpahayag ng kanyang kasiyahan sa positibong resulta ng 19 na pulis na muling kumuha ng pagsusulit na ibinigay ng PNP-Calabarzon region noong nakaraang linggo.

Ang natitirang tatlong hepe ng pulisya ay may schedule umano na muling kumuha, kaya, kung sila ay muling bumagsak sa pagsusulit ikatlong beses, sila ay mahaharap sa permanenteng relieve sa puwesto bilang chief of police at ay papalitan ng panibagong opisyal na may ranggong Lt. Col at Major. Magbibigay ng tagubilin ang Regional Personnel and Records Management Division head sa kani-kanilang provincial director na ipawalang-bisa ang temporary relief order na inilabas laban sa 19 na pulis.

Matatandaan na 21 police station chiefs sa Que­zon, Cavite at Rizal provinces ang tinanggal sa kanilang mga puwesto matapos bumagsak sa EMPO test noong Mayo. Kasunod nito, ang mga opisyal ay sumailalim sa administrative relief at pinalitan ng kanilang mga deputies habang naghihintay sila upang muling kumuha ng pagsusulit. Mahigit na 11 ang hepe ng pulisya ay nagmula sa lalawigan ng Quezon, dalawa mula sa Cavite at isa mula sa Rizal.

“Mataas ang passing grade, out of 50 items for test, kailangan nilang makakuha ng markang 45 passing grade,” sabi ni Marantan.

POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with