^

Probinsiya

Vlogger hinambalos aso para gawing content

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Vlogger hinambalos aso para gawing content
Cauayan Negros Occidental as seen on Google Maps.
Google Maps / Philstar.com screenshot

MANILA, Philippines — Nasa hot water ngayon ang isang 18-anyos na content creator dahil sa paggamit nito ng aso na kaniyang sinasaktan sa kaniyang pagblo-vlog sa social media sa Cauayan, Negros Occidental, ayon sa ulat kahapon.

Sa ulat ng Negros Occidental Police ang nasabing content creator ay kinilala lamang sa pangalang Jomond, umano’y isang baguhang vlogger at umano’y bahagi ng online content ang magpatawa.

Ayon sa imbestigasyon, napag-tripan ng suspect sa kaniyang pag-vlog na saktan ang aso na tripping-tripping lamang umano nito para magpatawa sa mga viewers.

Nabatid na ang nasabing video ni Jomond ay umani ng 600,000 views gayunman ay binatikos ito ng mga animal rights advocates at maging ng mga awtoridad sa pananakit sa aso.

Sa nasabing vlog ay kitang-kita ang matinding takot ng aso sa sadistang vlogger na tila tuwang-tuwa pa sa pananakit sa hayop na ginawa nitong online content.

“Animal cruelty is not acceptable. That you are liable to the law. The LGU should reach out to small communities and have the people involved,” pahayag ni Daniel Sam Salvatierra, isang animal rights advocates sa social media post nito.

Kaugnay nito, inihahanda na ng grupo ni Salvatierra ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Republic Act (RA)8485 o ang Animal Welfare Act laban sa vlogger sa pagmamalupit nito sa aso.

VLOGGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with