Ang Kapitbahay (127)
Nasa labas ng bahay si Renan at sumisigaw. Hindi maintindihan ni Vince ang sinasabi ni Renan. Pero sa ekspresyon ng mukha ay galit na galit ito.
Ang mga sumunod na eksena ang nakapapagimbal kay Vince. Inihagis ni Renan ang mga damit ni Margie sa labas ng bahay. Maraming damit. Pati ang ilang gamit gaya ng bag at sapatos ay inihagis din ni Renan. Nagkalat sa bakuran ang mga gamit.
Ang pagsigaw ni Renan at ang ingay ng mga inihagis na bagay ay nakapukaw sa pansin ng iba pang kapitbahay at maski mga taong naglalakad sa kalsada. Nakatingin sila kay Renan. May mga nakasilip sa bintana.
Maya-maya pa, hinila at ipinagtulakan ni Renan si Margie palabas. Umiiyak si Margie.
“Lumayas ka!”
Iyon ang narinig ni Vince.
(Itutuloy)
- Latest
















