Wantusawa
Pasasa ang Pinoy basketball fans.
Magsisimula mamaya ang PBA Commissioner’s Cup best-of-seven finals ng TNT at Ginebra.
At bukas naman, start ng best-of-seven NBA Finals ng San Antonio Spurs at New York Knicks.
Sa PBA, rematch ang finals at pang-apat na TNT vs Ginebra mula nung 2023.
Sa tatlong finals encounters, panalo lahat ang TNT – dalawang Governors’ Cup at isang Commissioner’s Cup.
Kaya chance ito bumawi ng Ginebra. Otherwise, 0-4 sila.
Kumbaga, suki.
Pero exciting ito – mula player matchups hanggang sa coaching battle.
Sa NBA naman, tiyak na may bagong NBA champion dahil sibak ang OKC.
First finals ng New York in 27 years and last nag champion nung 1973. Ang Spurs naman, last naging NBA champion nung 2014.
Siguradong tutok marino ang Pinoy fans sa PBA at NBA finals.
Magdamag at maghapon ang kwentuhan.
- Latest























