^

Punto Mo

Gen. Nartatez, umani ng pogi points!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

FLASH Report: Far-sighted ‘ata itong si MPD director Brig. Gen. Arnold Santiago. Kasi nga mga kosa kung nakikita at naaksiyunan ni Santiago ang krimen sa Tondo at iba pang parte ng Manila, bakit bulag s’ya sa mga nakaparadang sasakyan sa kahabaan ng UN Ave., maging sa may harap ng MPD HQ. na naging sanhi ng trapik. Noong panahon ni Boysie Rosales, bawal pumarada sa whole stretch ng UN. Anyare Gen. Santiago?

* * * * *

UMANI na naman ng pogi points si PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. matapos s’yang kilalanin bilang isa sa mga top-rated government officials ng Pinas. Sa gitna ng mainit na balitaktakan ng mga pulitiko sa Pinas, lalo na sa Senado, isang pampalamig ng ulo at pakiramdam itong iginawad ng award ng “Boses ng Bayan” Index Governance Survey na isinagawa ng RPMD Foundation Inc. Siyempe, natuwa si Nartatez.

‘‘We are grateful for the trust and confidence of our fellow Filipinos. This recognition is not for one person alone but for the men and women of the PNP who work tirelessly every day to keep our communities safe” ayon kay Nartatez. “Malaking inspirasyon ito para lalo pa naming pagbutihin ang aming serbisyo,’’ ang dagdag pa ni Nartatez. Teka, teka! Ihahabol ko lang na hindi lang si Nartatez ang nabigyan ng naturang pagkilala kundi maging ang idol ko na si Usec. Gilberto Cruz, ang administrator ng Office for Transportation Security (OTS). Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Mabuhay kayong mga idol ko! Sana yumabong pa ang lipi n’yo!

Sa isinagawang survey kasi mula Abril 1 hanggang Abril 8 nitong taon sa 5,000 respondents sa buong Pinas, si Nartatez ay nakakuha ng 78.8 percent Index of Governance Score, na suportado ng 78.5 trust rating at 79.1 performance rating. Ang resulta ay bunga sa pinagtibay na public confidence sa pinaigting na pagkilos ng PNP upang mamintina ang peace and order, pinalakas na community engagement, at magandang serbisyo publiko. Kasama na rito ang binigyan-diing pagkilala sa mga reporma at mga inisyatibong pagbabago sa operational guidelines. Sal-it! Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Nag-uumapaw ang pusong tinanggap ni Nartatez ang resulta ng survey. Subalit iginiit n’ya na ang tagumpay na ito ay hindi lamang nararapat sa kanya kundi maging sa lahat ng kapulisan, na patuloy na nagseserbisyo sa publiko na may didekasyon at propersyonalismo. Dipugaaaaa!

Aniya, ang PNP ay nanatiling nakatuon sa pagkuha ang buong pagtitiwala ng publiko sa pamamagitan ng integridad, pananagutan at responsableng pagpatupad ng batas. «Patuloy nating palalakasin ang ating ugnayan sa mga komunidad at sisiguraduhin natin na ang bawat aksyon ng PNP ay nakatuon sa kapakanan ng mamamayan. Public trust is our most valuable asset, and we will continue working hard to deserve it,» ang giit pa ni Nartatez. Abangan!

ARNOLD SANTIAGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with