^

Bansa

Gawing libre board, bar exams sa qualified indigent – Erwin

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ngayong graduation season, lalong itinutulak ni Senador Erwin Tulfo na gawin ng libre ang professional examinations fees ng mga kwalipikadong indigents, bilang tulong sa pagkamit nila ng lisensya sa propesyong tinahak.

Sa kanyang Senate Bill No. 2035 o “Free Professional Examinations Act,” gagawing exempted ang mga kwalipikadong indigents mula sa pagbabayad ng exam fees.

“Naging normal na para sa mga Pilipino na nakakapagtapos nga sa pag-aaral pero nauudlot na maging lisensyado kasi kulang sa pera. Kaysa magbayad ng licensure exam fees, magtatrabaho na lang, minsan underemployed pa para kumita na agad,” ani Tulfo.

Dagdag ng Senador, napipigilan ng mga sandamakmak na professional exam fees di lang ang pag-unlad ng mga Pilipino, kundi ang pag-usbong ng bagong henerasyon ng mga propesyunal sa bansa.

Kasali sa “Free Professional Exams Act” ni Tulfo ang Professional Regulations Commission (PRC) Board Exams, Civil Service Eligibility Exams, at Bar Exams.

Sa nasabing panukala, ang kwalipikadong indigent ay ‘yung idedetermina ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang ahensiya ang siyang magbibigay ng sertipikasyon para maipresenta sa Professional Regulations Commission, Civil Service Commission, o Supreme Court.

At para masigurong makakamit ang layunin, limitado lamang sa isang beses sa isang taon ang pagkuha ng benepisyong ito.

ERWIN TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with