^

PSN Palaro

Duterte pinatahimik ang Davao

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Duterte pinatahimik ang Davao
Kahit nagwawala sa kasisigaw ang mga nanoood na halos nakasuporta sa hometown team ay hindi nasira ang diskarte ng determinadong Duterte, kaya naman nakapagtala agad ito ng 11 puntos upang hawakan ng CALABARZON ang five-point lead, 38-33 sa halftime.
STAR/File

PROSPERIDAD, Agusan del Sur, Philippines — Inakbayan ni Dai­rick Emmanuel Duterte ang Region IV-A (Calabarzon) upang itumba ang defending champion Region XI (Davao), 79-62 sa secondary basketball boys finals ng 66th Palarong Pambansa na nilaro sa EOC Evacuation Center dito.

Kahit nagwawala sa kasisigaw ang mga nanoood na halos nakasuporta sa hometown team ay hindi nasira ang diskarte ng determinadong Duterte, kaya naman nakapagtala agad ito ng 11 puntos upang hawakan ng CALABARZON ang five-point lead, 38-33 sa halftime.

Sa kabuuan, nakapagtala ang 17 anyos na si Duterte ng impresibong 21 puntos para tulungan ang Region IV-A na agawin ang korona sa Region XI sa event na inorganisa ng Department of Education (DepEd) sa pakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission, (PHILRACOM) sa pamumuno ni chairman Patrick “Pato” Gregorio.

Lalong umiingay sa loob ng basketball court tuwing hahawakan ni Duterte ang bola kaya naman lalo itong ginanahan.

“Gusto ko ‘yun at ng mga kakampi ko at maging dehado sa laban dahil gusto namin yung pinapatahimik sila,” sabi ni Duterte na taga Angono, Rizal. “ Sabi ko hayaan natin ang crowd, focus lang sa laro”.

Sa second half ay hindi nagbago ang laro ng CA­LABARZON ito’y dahil sa pagpapatuloy ng ngitngit ni Duterte sa opensa upang payukuin ang Davao Region.

Samantala, bull’s eye kay General Marc Bangoy ng Region XII ang gold medal matapos manaig sa Archery secondary boys - individual olympic round na nilaro sa Labnig Open Space.

Nakopo ni Albert Bryan Quirob ng Region I ang silver medal habang bronze ang naikuwintas ni Winnmore Dimaala ng Region IV-A.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with