Pansamantalang paglaya ni Digong haharangin ng EJK victim families
MANILA, Philippines — Tututulan ng pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) na pansamantalang makalaya si dating pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Atty. Kristina Conti, International Criminal Court (ICC) assistant to counsel, na maliit ang tsansa na mapagbigyan ang kahilingan ng abogado ni Duterte para sa kanyang interim release.
Sa kabila nito, inamin naman ni Conti na malaki pa rin ang impluwensya ng dating presidente.
“Sa palagay ko mababa, siyempre, io-oppose namin iyan, tututulan iyan ng mga biktima dahil malaki ang impluwensya pa rin ni Duterte,” ayon pa kay Conti.
Mahalaga rin aniya na magpatuloy ang proseso ng ICC ng walang pananakot at walang pagpatay sa mga saksi para mabigyan ng hustisya ang mga biktima ng extrajudicial killings sa war on drugs.
Tiwala naman si Conti na maliit ang posibilidad na payagang pansamantalang makalaya ang dating pangulo dahil wala pang ganitong pinayagan sa pananaw ng ICC.
“Kaya tingin namin mababa ang tsansa na payagan siya. Walang ano iyan, wala ring example pa, wala pang ginagawa iyong court – prior, kaya palagay ko maganit even from the point of view of the ICC,” ayon pa kay Conti.
- Latest