^

Metro

Lolo, apo patay sa sunog sa Quezon City

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon
Lolo, apo patay sa sunog sa Quezon City
Hindi na makilala pa ang mga biktimang sina Ernesto Macapagal, 70 at 17-anyos na apong babae, kapwa residente ng Tagumpay St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isang lolo at kanyang apo ang nasawi sa sunog na sumiklab kamakalawa ng  hapon sa  Novaliches, Quezon City.

Hindi na makilala pa ang mga biktimang sina Ernesto Macapagal, 70 at 17-anyos na apong babae, kapwa residente ng Tagumpay St., Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City.

Batay sa pagsisiyasat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nagsimula ang  sunog bandang alas 4:30 ng hapon sa bahay mismo ng mga biktima sa nabanggit na address.

Ayon sa saksing si Evelyn de Guzman, napansin niyang nasusunog ang bahay ng  mga biktima kaya agad siyang humingi ng tulong sa barangay at tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Rumesponde naman ang nasa 32  fire trucks sa pangu­nguna ni FSupt. Froilan Guzman hanggang sa maapula ang  sunog bandang alas-6:23 ng gabi.

Dito na tumambad ang sunog na sunog na katawan ng mga biktima.

Nasa 10 bahay ang nadamay sa sunog habang 15 pamilya ang nawalan ng  tirahan.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng  pulisya sa insidente.

ERNESTO MACAPAGAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with