^

Punto Mo

Tattoo sa mga pulis bawal na!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

MATAPOS magpatupad ng moratorium, tuluyan nang ipagbabawal ng Philippine National Police (PNP) ang visible tattoos sa lahat ng mga pulis.

Ito ang nabatid kay PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo.

Paliwanag pa nito, sumailalim sa masusing deliberasyon ang naturang memorandum circular na nagbabawal sa paglalagay ng mga visible tattoos sa lahat ng mga pulis.

Ipapatupad ito sa lahat ng mga aplikante at papasok sa PNP service sa pamamagitan ng recruitment, lateral entry o PNPA.

Para naman sa mga active police na nagtataglay na nito,  binibigyan sila ng tatlong buwan para burahin ang kanilang mga visible tattoos at sinumang hindi susunod dito ay mahaharap sa kasong administratibo.

Sa ngayon, inaayos naman nila ang proseso sa pagbubura ng mga tattoo.

Magugunitang noong nakalipas na Marso 2024 inaprubahan sa ilalim ng Memorandum Circular 2024-023 ang pagbabawal sa mga visible tattoos sa mga pulis.

Dapat ay noon pa ito naipatupad pero nagpairal ng moratorium para sa masusi pang pag- aaral at deliberasyon at ngayon nga ito tuluyang nadesisyunan.

Sa mga nagtataglay naman ng mga hindi visible tattoo, hindi na sila pinahihintulutan na magdagdag pa. Kailangan din nilang magsumite ng affidavit na may tattoo sila na hindi visible at hindi na ito pinahihintulutan pang magdagdag sa anumang parte ng kanyang katawan ito man ay visible o naitatago sa police uniform.

Kabilang sa mga tattoo na kailangang ipabura ay ang extremist tattoos, ethnically o religiously discriminatory at offensive tattoos, indecent tattoos, racist tattoos, sexist tattoos.

Hindi naman kabilang sa  bagong patakaran ang aesthetic tattoos tulad ng eyebrows, eyeliner at lip tattoo.

vuukle comment

TATTOO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with