^

Punto Mo

Quiboloy, Guo ba’t di pa naaaresto?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Kinalampag na naman ng ilang mambabatas ang pamunuan ng PNP dahil sa kabiguang masakote ang dalawang high profile fugitives na sina Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Pastor Apollo Quiboloy at ex- Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations kamakailan kaugnay ng panukalang P278.4 bilyong pondo ng Department of Interior and Local Government (DILG) at mga ahensiyang hawak nito para sa taong 2025, kinuwestiyon ni Kabataan Partylist Rep. Raoul Manuel na sa kabila ng naisyuhan na ng warrant of arrest sina Quiboloy at Guo pero bigo pa rin ang mga itong maaresto ng mga awtoridad.

Ito ay sa kabila ng mga intelligence information na natanggap ng PNP na nasa Prayer Mountain lamang umano ng KOJC si Pastor Quiboloy sa Davao City.

Ipinagtataka ng Solon na kapag maliliit na personalidad o mga ordinaryong tao ay mabilis lamang masakote ng PNP pero kapag mga big-time umano na tulad nina Quiboloy at Guo ay tila hindi ang mga ito mahuli.

Halos limang buwan na matapos maisyuhan ng Senado ng arrest order si Quiboloy na na-contempt sa hindi pagdalo sa pagdinig at bukod dito ay naisyuhan rin ng warrant of arrest ng Pasig Regional Trial (RTC) kaugnay naman ng kasong human trafficking.

Samantala si Guo ay sinibak na sa pagka-mayor ay hindi pa rin matunton.

Nais malaman ng marami kung ano ang magiging balakid at dahilan para hindi maaresto ang mga ito.

Mistulang nagtatawa lamang ang mga ito na tila pinaglalaruan ang mga awtoridad dahil sa mala-palos nilang pagtatago.

vuukle comment

ALICE GUO

APOLLO QUIBOLOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with