^

PSN Palaro

No. 34 spot sa FIBA inupuan ng Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Hindi maawat ang pagsulong ng Gilas PIlipinas sa International Basketball Federation (FIBA) world rankings.

Base sa inilabas na ba­gong listahan ng FIBA, umakyat ng apat na puwesto ang Gilas squad na kasalukuyan nang nasa ika-34 mula sa dati nitong posisyon sa 38th spot.

Malaking tulong sa pagsulong ng Gilas Piliinas ang magandang inilaro nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia.

Matatandaang ginulan­tang ng Gilas Pilipinas sa group stage ang host Latvia na nasa No. 5 sa world rankings noon.

Ang panalo ang naging daan upang makapasok ang Gilas Pilipinas sa semifinals ng Olympic qualifying tournament.

Subalit yumuko ang Gilas Pilipinas sa Brazil sa semis.

Napasakamay ng Brazil ang korona sa Olympic qualifiers na naging daan para makapasok ito sa Paris Games.

Nahulog naman ang Latvia sa No. 9 spot sa world rankings.

Umabante rin ang Japan na mula sa ika-26 puwesto ay umangat ito sa ika-21.

Nakadagdag din sa puntos ng Japan ang ika-11 posisyong pagtatapos nito sa katatapos na Paris Olympics.

vuukle comment

GILAS PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with