^

PSN Palaro

Jones Cup crown balik-Pinas

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Balik-Pilipinas ang titulo ng William Jones Cup matapos pagharian ng Strong Group-Pilipinas ang ika-43 edisyon nito sa bisa ng dikit na 83-79 panalo sa overtime kontra sa host na Chinese Taipei-A kamakalawa ng gabi sa Taiwan.

Hindi naging madali ang misyon ng Strong Group na kinailangan pang burahin ang 64-71 deficit sa huling minuto ng regulation upang maibalik sa bansa ang titulo ng prestihiyosong annual invitational tourney.

Ito na ang ika-7 Jones Cup title ng Pinas at una simula noong 2019 tampok ang Mighty Sports matapos magkasya sa ika-7 puwesto ang Rain or Shine noong nakaraang edisyon.

Si Charles Tiu din ang nagtimon ng Mighty Sports noon bago trangkuhan uli ang Strong Group ngayon sa 8-0 kartada ng torneo.

Tumikada ng 21 puntos, 7 rebounds, 3 assists, 2 steals at 1 tapal si American reinforcement Tajuan Agee para sa kanyang matamis na bawi matapos hindi makalaro sa huling dalawang salang ng Strong Group dahil sa sakit.

Umayuda sa kanya sina Filipino-American standout DJ Fenner at ang PBA rookie RJ Abarrientos na may 15 at 14 puntos, ayon sa pagkakasunod, habang may kumpletong 9 puntos, 4 rebounds, 4 assists at 2 steals si Kiefer Ravena.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with