^

PSN Palaro

Yulo naging matatag para makuha ang tagumpay

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo naging matatag para makuha ang tagumpay
Philippines' Carlos Edriel Yulo (gold) poses during the podium ceremony for the artistic gymnastics men's vault event of the Paris 2024 Olympic Games at the Bercy Arena in Paris, on August 4, 2024.
Photo by Loic VENANCE / AFP

MANILA, Philippines — Maraming pinagdaanan si world champion Carlos Yulo bago maabot ang minimithing tagumpay — ang dalawang gintong medalyang napanalunan nito sa 2024 Paris Olympics.

Nagbuhos ito ng dugo’t pawis sa loob ng ilang taong pagsasanay para makuha ang perpektong porma na nagdala sa kanya sa tugatog ng tagumpay.

Sinariwa ni Yulo ang ilan sa mga naging karanasan nito partikular na sa training camp na pinagdaanan nito sa Japan noong nagsisimula pa lamang ito.

Nagsimula ito sa gymnastics noong 2007.

Nang mapanood nito ang London Olympics no­ong 2012, mas lalong gina­nahan si Yulo na magsanay.

“Noong 2007 po ako nag-start sa gymnastics pero noong napanood ko yung 2012 London Olympics doon po ako nagsimulang mangarap,” ani Yulo sa panayam ni Luis Manzano sa kanyang streaming account.

Kaya naman nagpursige ito sa training.

Naging scholar si Yulo para makapagsanay sa Japan.

Mag-isa lamang ito ka­sama ang kanyang coach na si Japanese mentor Munehiro Kugimiya.

Dumaan sa matinding pagsubok si Yulo kaya’t minsan naisip nitong sumuko na lamang.

Pero hindi ito bumigay. Naging sandalan nito ang dasal para mabigyan ito ng guidance sa pagdedesisyon.

Dahil sa pagiging ma­tatag ni Yulo, nagawa nitong maisakatuparan ang inaasam na tagumpay.

CARLOS YULO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->