^

Probinsiya

Chief of police, sinuwag ng SUV sa checkpoint!

Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon

75-anyos driver tumakas, gulong binaril

CAMP VICENTE LIM, Laguna, Philippines — Isang hepe ng pulisya ang malubhang nasugatan matapos suwagin ng SUV na minamaneho ng isang lasing na 75-anyos na nagtangkang umiwas sa PNP checkpoint sa Brgy. San Juan, Cainta, Rizal nitong Miyerkules.

Agad isinugod sa Cainta Municipal Hospital ang biktima na si Lt Col. Mark Anthony Aningalan, 40-anyos, hepe ng Cainta Police Station, para sa physical examination at medical treatment dahil sa seryosong sugat na tinamo sa katawan.

Ayon kay Col. Felipe Maraggun, Rizal police director, si Aningalan ay nasagasaan ng MG sports utility vehicle (NGN 4020) na minamaneho ng 75-anyos na senior citizen, na hindi pa pina­ngalanan, residente ng Batasan Hills, Quezon City na nadiskubreng nasa impluwensya ng alak nang maganap ang insidente.

Sinabi ni Maraggun na ang lolong driver ay kinasuhan na ng “reckless imprudence resulting to serious physical injuries”, pagmamaneho ng lasing­ at pag-abandona sa biktima nito sa Provincial Prosecutor’s Office.

Nabatid na matapos ang ginawang gamutan, nakalabas na rin si Aninga­lan sa ospital nitong Huwebes nang ma-confine, at maideklarang nasa “stable condition” na.

Lumalabas sa ulat na habang nagmamando ng checkpoint si Aningalan at pito pang pulis sa Brgy San Juan nang kanilang harangin ang isang sasakyan para sa routine inspection.

Gayunman, nagtangka ang driver na iwasan ang mga pulis at inapakan nito ang gas, sanhi upang subukang pigilan siya ng mga pulis. Dito na nabangga ng SUV ang opisyal na humadusay sa daan.

Sa kabila ng pagpigil, tuluy-tuloy pa rin ang driver sa pagmanaheo at pagtakas na dahilan na upang paputukan ng baril ang gulong ng sasakyan.

Nagkaroon ng habulan hanggang sa huminto ang suspek, may 300 metro mula sa pinangyarihan ng insidente.

Kapwa isinugod sa naturang ang nasabing chief of police at suspek na lasing.

Napag-alaman na kagagaling lang ng lolong suspek sa drinking session kasama ang ilang golf partners sa kalapit na golf course bago ang insidente.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with