^

PSN Opinyon

Palayasin ang POGOs

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas - Pilipino Star Ngayon

Panahon na para palayasin sa bansa ang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO). Nadiskubre sa pagsala­kay­ ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang illegal na aktibidad ng Chinese nationals na sa tantiya ko ay mga espiya.

Nang salakayin ng PAOCC ang POGO hubs sa Porac, Pampanga, maraming natuklasan ang mga imbestigador sa loob ng mga gusali. Ang POGO hubs ay nasa 46 na gusali at nakatayo sa 10 ektaryang lupain. Kumpleto sa pasilidad ang mga gusali—may massage parlor, spa, at KTV kung saan may mga VIP na kasama ang mga babaing bayaran. Hindi na raw lalabas ang mga customer sapagkat naroon na lahat.

Nakita rin sa POGO hubs ang mga gamit na pang-tor­ture. Tino-torture umano ang mga empleyado na hindi maka­abot sa quota. Isang Chinese na maraming sugat sa katawan ang na-rescue. Nakaposas ang Chinese sa base ng kama. Isa namang Chinese ang nahuli at napag-alamang pugante ito sa China. Sabi ni USec. Gilbert Cruz, PAOCC Executive Director, ang Chinese na naaresto ay galing sa POGO hubs sa Bamban, Tarlac.

Ang pinakamatindi sa mga natagpuan sa POGO hubs ay ang mga uniporme ng People’s Lebation Army (PLA) na may name tag. Ito yung mga sundalo ng China. Limang uniporme ang nakuha. Hindi pa tapos ang pagsusuri sa mga narekober na uniporme pero sabi ng mga awtoridad ay authentic ang mga ito.

Ang isa sa mga nakabibiglang sinabi ng PAOCC maka­raang salakayin ang POGO hubs sa Porac ay baka magulat ang lahat kapag nalaman kung sino ang may-ari nito.

Dapat ipag-utos na ni BBM sa mga mambabatas na gumawa ng batas na magpapalayas sa POGO. Pati ang PAGCOR ay atasan din ng Presidente.

Sa ngayon dumarami na ang mga senador ang nagpapahayag na patigilin na ang operasyon ng POGO sa bansa. Sumasama na ang reputasyon ng mga Pilipino sa buong mundo dahil sa POGO.

Kung sabagay hindi magiging madali ang pagpapalayas sa mga Chinese kung magiging malamya ang pag-aksyon ng Department of Justice. Kung magiging kasingkupad ng pagong ang pag-isyu ng search warrants na hinihingi ng mga operatiba sa mga korte siguradong nakatakas na ang kanilang mga target at naitatago na ang mga illegal sa POGO hubs.

Ayon sa PAOCC, 300 POGO hubs ang kanilang mino-monitor. Tiyak aabutin ng taon bago ito mapasok at mabisto ang mga kabalbalan ng mga Chinese. Ayon sa report, may POGO rin sa dating Island Cove? Abangan!

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with