Dr. Love Webisode: Huwag Magtago sa dilim

Dear Dr. Love,

Call me Mina, a doctor by profession. Ako ay 31 anyos at single pa rin pero mayroon akong boyfriend na kapareho ng age ko.

Isa siyang accountant sa isang banko at tatlong buwan na ang aming relasyon. Minsang namasyal kami ay napansin ko na hindi siya mapalagay.

Tinanong ko kung ano ang problema­ niya. Sa kapipilit ay nagtapat siya sa akin. Mayroon na pala siyang asawa pero ang sabi niya mahal niya ako. Hindi na raw sila magkasundong mag-asawa sa maraming mga issue na ayaw naman niyang sabihin. Nagmamakaawa siyang huwag ko siyang kalasan.

Naawa naman ako kaya tuloy ang relasyon namin. Kaso ay nakokonsensya ako. Naiisip ko kasi na baka maging  family wrecker ako.

Ano ang gagawin ko? Mahal ko rin kasi siya.

Mina

Dear Mina,

The proper thing to do is break up with the guy. Kung sinasabi niyang hindi na niya makasundo ang kanyang asawa, dapat ayu­sin muna niya ang situwasyon para maging malaya siya at maging legal ang relasyon niya sa iyo.

Bakit hindi siya magpa-annul? Hindi ako pabor sa annulment pero may batas tungkol diyan na puwedeng balingan ng mga taong may problema sa asawa.

Siguro pag-usapan ninyong mabuti ang inyong situwasyon para hindi kayo parang paniki na nagtatago sa dilim sa inyong illicit relations.

Dr. Love

Related article: Huwag magtago sa dilim

(Video by Cris Cayanan and Ma. Cristina Gabrentina)

Show comments