^

PSN Palaro

Winning streak itutuloy ng San Beda at Letran

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Layunin ng defending champion San Beda University at Letran na paha­ba­in ang kanilang mga winning streak sa pagharap sa magkahiwalay na laban sa NCAA Season 102 men’s basketball tournament sa Playtime FilOil sa San Juan Arena City.

Makakatapat ng San Beda ang Mapua University ngayong alas-3 ng hapon, habang haharapin ng Letran ang Arellano University sa alas-5 ng hapon.

Tangan ang 7-3 karta, kasosyo ng Red Lions sa No. 2 spot sa Group A ang St. Benilde Blazers, ha­bang solo sa tuktok ang Jose Rizal Heavy Bombers na may 8-3 baraha.

Galing sa dalawang sunod na panalo ang San Beda, ang huli ay laban sa Jose Rizal, 75-71, tampok ang pagbibida ni Aldous Tor­culas.

Natalo naman ang Ma­pua, may 6-4 record, sa St. Benilde, 69-71.

Bago ang kabiguan sa Blazers ay nagtarak muna ang Cardinals ng anim na sunod na panalo.

Ipaparada ng Mapua ang kanilang mga pambatog sina Cyrus Cuenco, Yam Concepcion at Jamal Diaz.

Samantala, nasa itaas ng Group B ang humaha­rurot na Knights pasan ang 7-3 card matapos sikwatin ang three-game winning streak.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with