Taga-Western Visayas, ‘wag mag-panic sa El Niño!
“WAG mag-panic!” Ito ang payo ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño sa taga-Western Visayas tungkol sa paparating na Super El Niño. Imbes, hinikayat ni Tuaño ang publiko na magtipid ng tubig, iwasan ang panic-buying at umasa lamang sa beripikadong impormasyon ng mga ahensiya ng gobyerno.“Maghanda tayo, pero huwag tayong mag-panic. Magtipid sa tubig, bumili lamang ng kailangan, at umasa sa official information. Mas magiging manageable ang sitwasyon kung lahat tayo ay may ambag,” ani Tuaño. Binigyang-diin din ni PRO6 director ang kahalagahan ng pagsuri sa pinagmulan ng mga impormasyon, lalo na sa social media, upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon at hindi kinakailangang pag-iimbak ng mga pangunahing pangangailangan. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?
Nanawagan si Tuaño sa publiko na maghanda sa posibleng epekto ng El Niño alinsunod sa direktiba ni PNP chief Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez Jr. Inatasan ni Tuaño ang kanyang police commanders at chiefs’ ng iba pang unit na makipag-ugnayan sa mga LGUs at mga ahensiya ng gobyerno upang matiyak ang kanilang kahandaan sa mabilisang pagtugon sa mga concerns na maaring lumitaw, partikular na ang mga lugar na posibleng makaranas ng matinding tagtuyot o limitadong suplay ng tubig. Maging ang mga kapulisan sa Western Visayas ay hinikayat ni Tuaño na magsagawa ng responsableng paggamit ng tubig at praktikal na noservation measures habang nagpapatuloy ang regular police services. Puwede na gamitin ang balde. Maging ang mga households, kasama na ang pamilya ng pulis, ay pinayuhan ni Tuaño, na iwasan ang hindi kinakailangang paggamit ng tubig, ayusin ang mga tumutulong gripo o tubo. Aniya, gamiting ang muling paggamit ng tubig kung kinakailangan. Anong sey n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Hinihikayat din ni Tuaño ang publiko na sundin ang mga advisory ng PAGASA, local government units, water providers, at iba pang awtorisadong ahensya.Aniya, maaari ring i-report sa awtoridad ang pinaghihinalaang hoarding ng pagkain, mapanlinlang na pagbebenta, o iba pang gawaing maaaring magsamantala sa pangamba ng publiko hinggil sa suplay ng mga pangunahing pangangailangan.
Kung sabagay, hindi lang si Tuaño, kundi ang buong Police Regional Offices ay naghahanda sa pagdating ng Super El Niño dahil sa kautusan ni Nartatez. Nauna ng kumilos ang gobyerno ni President Bongbong Marcos tungkol dito. Balde-balde lang nga! Kaya’t ang payo ng gobyerno sa publiko ay maghanda habang maaga, at ‘wag ng hintaying tumama ang El Niño bago kumilos. Purbidang yawaahhhhh!
Teka, teka, Si Tuaño kaya ay mamigay ng balde sa mga police stations? Abangan!
- Latest

















