LRT-1 Cavite Extension sisimulan na ngayong taon
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Acting Transportation Secretary Giovanni Lopez na sisimulan na ngayon taon ang konstraksyon ng natitirang bahagi ng LRT-1 Cavite Extension Project.
Ang paniniyak ay ginawa ni Lopez kay Las Piñas Rep. Mark Anthony Santos sa pagdinig sa panukalang budget ng DOTr nitong Huwebes kung saan inaasahang malalagdaan ngayong Setyembre ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng ahensiya, Villar Group, LRTA at LRMC para maresolba ang mga usapin sa right-of-way.
Operational na ang Phase 1 mula Baclaran hanggang Dr. Santos Station sa Parañaque City, habang hindi pa naitatayo ang natitirang bahagi patungong Cavite, kabilang ang mga planong istasyon sa Las Piñas, Zapote at Niog.
Matagal nang hinihintay ng mga commuter sa Las Piñas, Bacoor at iba pang bahagi ng Cavite ang pagkumpleto ng proyekto dahil sa matinding trapiko.
- Latest



















