^

True Confessions

Apoy sa Balsa (75)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NATAPOS ang unang bahagi ng waterfront shoot nang ideklara ng photographer na breaktime muna. Habang abala ang buong production crew sa pag-aayos ng mga gamit at si Winona naman ay pinalilibutan ng kanyang glam team sa airconditioned lounge tent, nanatili si Rhea sa ilalim ng maliit na shed upang suriin ang mga raw photos sa kanyang laptop.

Isang anino ang dahan-dahang humarang sa sikat ng araw sa kanyang mesa.

Pag-angat ng tingin ni Rhea, nakatayo sa harapan niya si Darcy. Hawak nito ang cellphone habang may bitbit na malamig na inumin para sa Creative Director.

“Mam Rhea,” malamig na bati ni Darcy, may kasamang ngiting hindi umaabot sa kan­yang mga mata. “Meryenda muna. Masyado kang nakatutok sa trabaho.”

“Salamat, Darcy,” pormal at maikling tugon ni Rhea, hindi inilalayo ang paningin sa screen. “I-ready niyo na lang si Winona for the sunset layout after lunch.”

Hindi umalis si Darcy. Isang hakbang pa ang itinulak nito palapit sa mesa ni Rhea.

“Kahanga-hanga ang dedication mo sa proyektong ‘to, Mam,” pabulong na sabi ni Darcy, ang boses ay puno ng nakatagong banta. “Pati ang mga tingin ni Kael, tila kontrolado mo sa likod ng monitor. Napansin ko lang... tuwing matatapos ang intimate take nila ni Winona, hindi sa kapareha niya tumi­tingin si Kael para magtanong kung maayos ba. Sa ‘yo agad ang bagsak ng mga mata niya.”

Napatigil ang daliri ni Rhea sa trackpad ng laptop. Pinilit niyang panatilihing­ walang anumang emos­yon ang kaniyang mukha.

Inilapit pa ni Darcy ang kanyang mukha, sapat lang para sila dalawa ang makarinig. “Ano kaya ang sasabihin ni Winona, o ni Manay Helen kapag nalaman nilang may ibang tini­titigan ang pambansang dream boy habang gina­gawa ang pinakamainit na ad campaign ng taon?”

Itutuloy

TRENDING

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with