^

True Confessions

Apoy Sa Balsa (74)­­ ­

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

NAGSIMULA ang shooting sa San Vicencio matapos mag-isip ng konsepto ang team. Matalim ang sikat ng araw, at pinaliligiran ang set nang malalaking reflector, diffuser, at ang buong production crew.

Sa harap ng lens, masining na pinalitaw ang tema ng swimwear line, puno ng init, ganda ng katawan, at sensual na mga posisyon.

Suot ni Winona ang isang kulay-intense red na two-piece swimsuit habang naka-suot naman si Kael ng trunks. Bawat utos ng photographer ay agad na sinusunod ng dalawa: ang pagdikit ng dibdib ni Kael sa likod ng aktres, ang paghawak ni Winona sa mukha ng binata, at ang titig na puno ng pagnanasa.

Nakatayo si Rhea sa tabi ng main monitor ka­sama ang photographer. Propesyonal siyang nakabantay bilang creative director. Sa loob-loob niya, kailangang pa­natilihing malamig ang kanyang dibdib habang nakikita ang eksena sa harap nang maraming tao.

Ngunit hindi lang ang monitor ang dapat niyang bantayan.

Sa hindi kalayuan, sa ilalim ng payong kung saan naroon ang vanity station, nakatayo si Darcy, ang assistant at makeup artist ni Winona. Hawak nito ang kanyang powder brush, ngunit imbes na bantayan kung humulas na ang makeup ni Winona, ang mga mata ng assistant ay nakatutok sa mga maliliit na galaw nina Rhea at Kael.

Napansin ni Darcy ang bawat mabilis at pasimpleng­ titigan ng dalawa. Tuwing itatawag ng photographer ang “Rest!”, hindi kay Winona tumitingin si Kael upang magtanong ng saloobin—kundi agad na sumusulyap ang kanyang mga mata sa gilid ng monitor, saan nakatayo si Rhea. At tuwing tatango si Rhea nang may bahagyang pag-aalala, saka pa lang humihinga nang maluwag ang binata.

Isang malamig na ngiti ang dahan-dahang lumabas sa mga labi ni Darcy habang inilalabas nito ang kaniyang telepono.

Hindi na lang ito hinala. Sa gitna ng maiinit na photoshoot sa ilalim ng araw ng San Vicencio, nakuha ni Darcy ang pinakamaha­lagang anggulo ng buong araw, ang lihim na kuryenteng dumadaloy sa pagitan ng sikat na modelo at ng Creative Director. (Itutuloy)

VICENCIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with